MANILA, Philippines – MAKARAAN ang sunod-sunod na pagkatalo noong 2024, muling nakaabot sa quarterfinals ng PVL ang ZUS Coffee Thunderbelles ngayong 2025.
Mula sa 0-19 record sa unang taon, nakapagtala na sila ngayon ng mas maganda-gandang performance.
Ayon sa head coach na si Jerry Yee, “may talento na kami ngayon, pero hindi pa kami tunay na team.” Tinukoy niya ang kakulangan sa consistency at execution, ngunit positibo pa rin sa development ng koponan.
Malayo na ang narating ng team na dating umaasa lang sa “less is more” approach.
Aniya, ngayo’y may sapat na silang depth sa roster upang makipagsabayan sa malalakas na koponan ng liga.GP