Home SPORTS Tim Cone umaming pumalpak vs Chinese Taipei

Tim Cone umaming pumalpak vs Chinese Taipei

232
0

MANILA, Philippines – BIGO ang Gilas Pilipinas sa kanilang kampanya sa FIBA Asia Cup 2025 matapos talunin ng Chinese Taipei, 95-87.

Maagang lumamang ang kalaban sa score na 27-10 sa unang yugto dahil sa mababang shooting percentage ng Gilas (36%) at sunod-sunod na turnovers.
Bagama’t nakabawi ang Pilipinas sa second half, nanatiling mababa ang kanilang 3-point shooting (8 of 28).

Isa ring dahilan ng pagkatalo ang maraming fouls na nagresulta sa pagka-foul out ni Justin Brownlee at penalty trouble nina Chris Newsome at Scottie Thompson.

Samantala, 27-of-35 sa free throw line ang Taipei kumpara sa 9-of-15 ng Gilas.

Ayon kay Coach Tim Cone, “marami kaming ill-advised shots at fouls.”
Dagdag pa rito, 16 ang turnovers ng Gilas kumpara sa apat lang ng kalaban.

Bagama’t namayani sa rebounds (48-24) at assists (20-12), hindi ito sapat upang maselyuhan ang panalo laban sa matikas na Taipei.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here