Home METRO Tax evasion complaints isinampa ng BIR sa 23 firms, officers sa ghost...

Tax evasion complaints isinampa ng BIR sa 23 firms, officers sa ghost receipts

265
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Bureau of Internal Revenue nitong Huwebes, Agosto 7 ay sinampahan nila ng reklamong tax evasion ang mga korporasyon at corporate officers na sangkot sa paggamit ng ghost receipts upang bawasan ang pananagutan sa buwis, na nagresulta sa mga kakulangan sa buwis na nagkakahalaga ng P1.4 bilyon.

Ayon sa bureau, nagsampa sila ng reklamo laban sa 23 korporasyon, 56 corporate officers, at 17 certified public accountant para sa maraming paglabag sa tax evasion, hindi pagbibigay ng tama at tumpak na impormasyon, perjury at maling pag-uulat.

“Wala namang operations ‘yung mga korporasyon na ito kung hindi magbenta lamang ng resibo. Walang serbisyong ino-offer, walang produktong binebenta kung hindi ‘yung resibo mismo talaga,” ayon kay BIR Commissioner Romeo “Jun” Lumagui Jr.

Ang mga korporasyon ay kasangkot sa construction, manufacturing, food, electronics, entertainment, marketing, retail, at constructions.

Tumanggi ang mga awtoridad na pangalanan ang mga sangkot na korporasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“Maybe we can provide the names of these companies after we have made the initial evaluation so that they are now considered as respondents ready for preliminary investigation,” ani Justice Undersecretary Jesse Andres.

Sinabi ni Lumagui na kung mapatunayang nagkasala, ang mga indibidwal na ito ay dapat magbayad ng kanilang mga pananagutan sa buwis. Aniya, maaari rin silang makulong. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here