Home METRO Barbero sinaksak ng customer sa ‘pangit’ na gupit

Barbero sinaksak ng customer sa ‘pangit’ na gupit

300
0

Manila, Philippines – Sugatan ang isang barbero sa Quezon City matapos saksakin ng sarili niyang customer na hindi umano natuwa sa kanyang gupit.

Ayon sa ulat, nasaksak sa pisngi ang biktima matapos magalit ang suspek sa naging resulta ng kanyang gupit. Hindi raw regular na customer ang suspek.

Matapos ang insidente, hinabol ng mga kasamahan ng biktima ang suspek pero agad itong nakatakas.

Naaresto rin kalaunan ang 27-anyos na suspek sa kanyang bahay, kung saan nakuha rin ang ginamit na patalim, isang kitchen knife.

Sa pahayag ng suspek, sinabi niyang:
“Gusto ko sana faded sa likod ang gupit, at hindi na sana bawasan ang itaas, pero binawasan niya pa rin. Humihingi naman ako ng dispensa sa nagawa ko.”

Napag-alamang dati nang nasangkot sa kasong attempted murder ang suspek sa Valenzuela City noong 2022.

Desidido naman ang biktima na magsampa ng kaso. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here