Home HOME BANNER STORY 2 tiklo sa pagnanakaw ng kable ng kuryente sa kasagsagan ng sunog...

2 tiklo sa pagnanakaw ng kable ng kuryente sa kasagsagan ng sunog sa Tondo

264
0

MANILA, Philippines – Arestado na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station 1 ang dalawang residente na nagnakaw ng kable ng Meralco sa naganap na sunog sa Happyland- Aroma sa Tondo, Maynila noong Miyerkules.

Nauna nang nagbabala si Manila Mayor Isko MOreno-Domagoso sa mga tolongges na nagnakaw ng mga kable na hahabulin sila at kakasuhan.

Sa mga viral video, makikita na kahit pa nagpapatuloy ang pag-apula ng mga bumbero sa sunog ay may mga residente naman na nagkanya-kanya na ng hatak sa mga kable para gawing ‘tanso’ at pagkaperahan.

“Ang sarap pagkukutusan– nasusunugan ka na nga, pagnakawan ka pa ng kapitbahay mo,” saad ni Mayor Isko.

Ayon kay PLt/Col. Ronald De Leon ng MPD Station 1, hinahanap pa ang ilang mga kasabwat ng mga naaresto na kapwa rin nila mga residente.

Umabot sa 800 pamilya ang apektado sa sunog kung saan bawat pamilya ay binigyan ng P15,000 ayuda ng Manila LGU.

Ang Manila Department of Social Worker (MDSW) ay nagpaabot na rin ng tulong tulad ng pagkain at iba pang mga pangangailangan ng mga nasunogan na ngayon ay pansamantalang nanunuluyan sa Gen. Vicente Elementary School bilang evacuation center.

Kaugnay nito, sinabi rin ng Meralco na posibleng kasuhan ang mga residente na nagnakaw ng mga kable dahil ito ay pag-aari ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here