Home NATIONWIDE Pansitan hinoldap; P240K alahas ng negosyante natangay

Pansitan hinoldap; P240K alahas ng negosyante natangay

210
0

MANILA, Philippines – Nagsasagawa na ng manhunt operation ang Manila Police District (MPD) laban sa dalawang riding-in-tandem na nangholdap sa may-ari ng pansitan sa Sampaloc, Maynila.

Mahigit P240,000 halaga ng alahas ng 59-anyos na negosyante ang natangay ng mga suspek.

Nauna rito, bumaba ang apat na lalaki sakay ng dalawang motorsiklo sa tapat ng tindahan ng pansit pasado alas-7 ng gabi ng Huwebes.

Naglabas ng baril ang mga suspek at nagtakbuhan ang mga tao dahil sa takot nang holdapin ang may-ari ng pansitan.

Nagawa pang makipambuno ang biktimang negosyante sa dalawang suspek habang nakatutok sa kanya ang baril.

Ayon sa biktima, siya talaga ang pakay ng mga suspek dahil sa mga suot nitong kwintas at bracelet.

Maliban sa biktima, wala nang ibang naholdap o nasaktan sa panghoholdap.

Aminado naman ang barangay na nakakasakop sa pwesto ng biktima na may mga tauhan silang nagroronda ngunit wala silang kapasidad sa mga armas ng mga suspek.

Katatapos lang din umano ang pag-iikot ng mga pulis nang sumalisi ang mga holdaper na patuloy na tinutugis ng mga awtoridad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here