Home NATIONWIDE DepEd nanawagan ng mas pinalakas na seguridad sa mga paaralan

DepEd nanawagan ng mas pinalakas na seguridad sa mga paaralan

326
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of Education (DepEd) ang pagsisiguro nito ng kapakanan ng mga estudyante at nanawagan sa mga partner nito na palakasin pa ang security protocols sa mga paaralan.

Nag-isyu ang DepEd ng pahayag kasunod ng nangyaring pamamaril sa Grade 10 student sa loob mismo ng paaralan sa Nueva Ecija.

“Our schools must be sanctuaries of safety and learning. Any form of violence, especially within or near school grounds, is unacceptable and will not be tolerated,” pahayag ng DepEd.

“We call on our partners in the community to strengthen school security protocols and uphold our shared duty to make every school a zone of peace,” dagdag pa.

Sa ulat, naganap ang insidente sa Sta. Rosa Integrated School in Nueva Ecija, kung saan binaril ang babaeng Grade 10 student ng ex-boyfriend nito sa loob ng silid-aralan.

Matapos ang pamamaril ay nagbaril din sa sarili ang lalaking estudyante.

Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon ang dalawa matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo.

“We stand in full solidarity with the learners, teachers, and the entire school community affected by this appalling incident,” sinabi pa ng DepEd.

Kinilala naman ng ahensya ang mabilis na pagtugon ng Nueva Ecija schools division sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad at nagpahayag ng suporta sa mga biktima. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here