Bulacan – Arestado ang 13 indibiduwal habang nasamsam ang P240,000 halaga ng iligal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito.
Sa report ng Marilao police station, dalawang indibiduwal ang kanilang naaresto na nakumpiskahan ng 20 gramo ng hinihinalang shabu at may halagang P136,000.00 sa Brgy. Prenza 2, Marilao nitong Agosto 8.
Samantala, huli rin ng Bocaue, Guiguinto, Norzagaray, Marilao at Obando police station ang 11 tulak at nakakumpiska ng 16.90 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P111,452.00.
Kaugnay nito, nalambat din ang 10 wanted persons sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng San Jose Del Monte, Malolos, Bulakan, Marilao, Pandi, Balagtas, Doña Remedios Trinidad at Bulacan PIU nitong Agosto 7.
Ang mga naarestong indibidwal ay nasa kustodiya ng mga himpilan o yunit na humuli sa kanila. Dick Mirasol III