Home ENTERTAINMENT Kasalang Shaira at EA, kasado na; Boy, kumpirmadong ninong!

Kasalang Shaira at EA, kasado na; Boy, kumpirmadong ninong!

263
0

Manila, Philippines- Kasado na ang pag-iisang-dibdib nina Shaira Diaz at EA Guzman sa August 14.

Magaganap ang seremonya sa Silang, Cavite.

After the wedding ay mananatili muna ang couple sa bansa.

Nakatakda silang mag-honeymoon sa  Switzerland sa September.

Tinotoo nga ng couple ang kanilang paanyaya kay Boy Abunda para kunin ito bilang isa sa mga ninong.

Kung matatandaan, sa guesting nina Shaira at EA sa Fast Talk noong February 2024 ay on air nilang “niligawan” si Boy na pumayag naman.

Nitong August 6 ay personal na iniabot ng magkasintahan ang kanilang imbitasyon kay Boy na nakasilid sa isang malaking kahon.

Nabanggit ng dalawa na sinusunod nila ang ilang pinaniniwalaang pamahiin tungkol sa kasal.

Kabilang dito ang hindi pagsusuot ng wedding gown bago ang araw ng kasal, among others.

Dahil big Korean fan si Shaira kung kaya’t maging ang wedding gown niya’y likha pa ng Korean designer.

To Shaira and EA, congratulations and best wishes in advance! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here