Home METRO 15 durugista timbog sa Bulacan buy-bust ops

15 durugista timbog sa Bulacan buy-bust ops

193
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang dalawang tulak nang mahulihan umano ng P73,080.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod Meycauayan.

Sa report ni PLTCOL Melvin Florida Jr, Acting chief of police ng Meycauayan police station, kinilala ang mga naaresto na sina alyas Joel, 48 at Vanzkie, 24 ng Brgy. Saluysoy.

Ayon sa report, ikinasa ang operasyon bandang 11:40 ng gabi noong Agosto 8 sa El Camino road, Brgy. Perez.

Nabatid na nabentahan ni alyas Joel ng isang sachet ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops ang poseur buyer kapalit ang P500 marked money.

Nasamsam din si Vanzkie ng damo na may fruiting tops na may kabuuang timbang na 609 gramo at nasa halagang P73,080.00 kaya kapwa sila inaresto.

Samantala, huli rin sa kaparehong petsa ang 13 indibiduwal nang mahulihan ng iligal na droga sa buy-bust operation ng San Miguel, San Jose Del Monte, Pulilan, Bulakan, Malolos at Sta Maria police station.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek habang nakakulong sa istasyong humuli sa kanila. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here