Home ENTERTAINMENT Pics nina Sharon at KC, pinagtapat!

Pics nina Sharon at KC, pinagtapat!

189
0

Manila, Philippines – Tacky. Uncalled for. Awkward.

Ilan lang ito sa mga komento mula sa mga netizens bilang reaksyon sa pagkukumpara ng halos magkaparehong photos ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.

Obyus naman kasing ginagawan ng isyu sa social media ang pinagtabing larawan nila wearing almost similar outfits.

Ito ‘yung red gown na isinuot ni Sharon for Mega Magazine kung saan ang panloob niya’y black swimsuit.

Itinapat ‘yon sa old photo ni KC who was also wearing a red see-through dress na black swimsuit din ang panloob.

Ang kaibahan nga lang, mas naaaninag ang panloob ni Sharon.

As for KC’s photo, luma na ito na kinalkal lang ng isang showbiz site to draw a comparison.

Obyus bang ang motibo ng site na ‘yon ay pagkakitaan ang mag-ina?

Buti na lang, maraming netizens ang naninindigang there should be no comparison.

Maging masaya na lang sana ang ibang tao na ganap nang nagkaayos ang mag-ina, ‘no! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here