Home NATIONWIDE Maayos na panahon asahan ngayong araw sa Metro Manila, iba pang lugar

Maayos na panahon asahan ngayong araw sa Metro Manila, iba pang lugar

276
0

MANILA, Philippines – Asahan ang maayos na lagay ng panahon sa Metro Manila at malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Agosto 10, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa weather update nito, sinabi na ang Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon ay may maayos na lagay ng panahon at tsansa ng localized thunderstorms.

Ani Torres, ang southwest monsoon o Habagat ay magdadala naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm nanam ang mararanasan sa Visayas at Mindanao.

“In areas that are not affected by the southwest monsoon, hot and humid weather is still possible from morning to noon and then there is a higher chance of thunderstorms in the afternoon,” dagdag pa.

Samantala, huling namataan ang severe tropical storm Podul sa layong 2,085 kilometro silangan ng extreme northern Luzon na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 kilometro kada oras at pagbugos na hanggang 115 kilometro kada oras.

Mabagal itong kumikilos sa direksyong west-northwest.

Inaasahang papasok sa PAR ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga.

Sa oras na pumasok ito sa PAR ay tatawagin itong “Goryo,” ang ikapitong bagyo sa bansa ngayong 2025.

Samantala, namataan naman ang isang low pressure area sa LABAS ng PAR sa layong 500 kilometro kanluran ng Calayan, Cagayan.

Hindi na inaasahang lalakas bilang isang bagyo ang LPA at walang direktang epekto sa bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here