Home NATIONWIDE Konsehal ng Ibajay, Aklan nahaharap sa reklamong murder sa pagpatay sa vice...

Konsehal ng Ibajay, Aklan nahaharap sa reklamong murder sa pagpatay sa vice mayor

312
0

MANILA, Philippines – Nahaharap sa reklamong murder ang Sangguniang Bayan member sa Ibajay, Aklan matapos na umano’y barilin-patay ang vice mayor ng naturang bayan noong Biyernes, Agosto 8.

Sinabi ni Ibajay Mayor Jose Miguel Miraflores na narekober ng mga tauhan ng ng Scene of the Crime Operations team ang siyam na bullet casings kasama ang isang armas sa crime scene.

“Malungkot pa rin kami at shocked pa rin ang karamihan sa nangyari noong Biyernes,” sinabi ni Miraflores sa panayam ng DZBB.

Ayon kay Miraflores, ang suspek na kinilala ng pulisya bilang si Mihrel Senatin, ay may lisensya para magmay-ari ng baril.

Naunang iniulat ng Ibajay police na nakarinig umano ng anim o higit pang putok ng baril ang mga saksi matapos na pumasok ang suspek sa Sangguniang Bayan Office at lapitan si Vice Mayor Julio Estolloso para humingi ng kopya ng mga lokal na ordinansa na ipinasa sa kanyang termino.

Si Senatin ay naaresto sa tirahan nito at nasa kustodiya ng pulisya.

“Sa pahayag naman ng Sangguniang Bayan, pareho lang din naman ang treatment sa kanila. Sa loob ng konseho, may debate naman talaga, pero labas dun, wala namang isyu naman naging personal. Mostly professional naman sila,” ani Miraflores.

“Nagtataka rin ang ibang Sangguniang Bayan. Nagulat din sila na ganun ang feeling nung suspek kay vice mayor na left out siya,” dagdag pa.

Dahil sa insidente, ang Ibajay municipal office ay magkakaroon na lamang ng isang entry at exit point at magsasagawa ng inspeksyon bago makapasok.

“May mga darating ng doktor galing sa probinsiya. Mag-a-assist sa assessment ng mga empleyado sa munisipyo. Marami kasi ang nakakita sa pangyayari. I-a-assess ang mga empleyado kung kamusta sila,” sinabi ni Miraflores. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here