Home NATIONWIDE Comelec naghihintay pa sa pagresolba ng Bangsamoro Parliamentary sa isyu sa Sulu

Comelec naghihintay pa sa pagresolba ng Bangsamoro Parliamentary sa isyu sa Sulu

282
0

MANILA, Philippines – Hinihintay ng Commission on Elections (Comelec) na resolbahin ng Bangsamoro Parliament ang isyu nito sa Sulu habang ang poll body ay nagpapatuloy sa paghahanda nito para sa Bangsamoro Parliamentart Elections ngayong Oktubre.

Sinabi ni Comelec Chairmab George Garcia na hindi pa na-relocate ng parliament ang mga puwestong unang itinalaga sa Sulu matapos tanggihan ng probinsya ang Bangsamoro Organic Law sa 2019 plebiscite.

Ayon kay Garcia, ang inisyal na itinakdang May 30 deadline para sa parliament upang resolbahin ang usapin ay pinalawig hanggang Agosto.

Aniya, kailangan ng panahon para mag-imprenta ng mga balota at magtakda ng panibagong paghahain ng kandidatura.

Tiniyak ni Garcia sa publiko na susundin nito ang Bangsamoro election code.

Ang BARMM, na nilikha bilang bahagi ng kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front, ay may itinalagang transitional government at nakatakdang magsagawa ng parliamentary elections ngayong Oktubre 13. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here