MANILA, Philippines – Sugatan ang isang senior citizen nang mabangga ng isang motorsiklo sa Sta. Cruz, Maynila Lunes ng umaga, Agosto 11.
Sa inisyal na ulat, tumatawid ang 81-anyos na babae sa iilalim ng LRT sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Maynila nang mabundol ng rider.
Ayon sa rider, pauwi na sana siya nang mangyari ang insidente.
Aniya, pinagsabihan pa niya ang biktima na huwag tumawid ngunit nagpumilit pa rin itong tumakbo dahilan para siya ang mabundol.
Iniimbestigahan na rin ng Manila Traffic Enforcement Unit ang rider habang dinala para sa agarang gamutan ang biktima umiinda rin ng pananakit ng katawan. Jocelyn Tabangcura-Domenden