Home METRO P17-M ‘bato’ nasamsam sa buy-bust ops sa Cebu

P17-M ‘bato’ nasamsam sa buy-bust ops sa Cebu

203
0

CEBU, Philippines – Umabot sa P17 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation laban sa high value individual, iniulat kahapon sa Mandaue City.

Kinilala ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) Mandaue City Police Office ang nadakip na suspek na si alyas Cali, 35, at residente ng Sitio Nawanao, Barangay Pit-os, Cebu.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas-9:35 ng gabi, Sabado, Agosto 9, 2025 nadakip ang suspek sa Sitio Uniwide, Barangay Tipolo, Mandaue.

Nakuha sa suspek ang malaking pakete na naglalaman ng 2.5 kilo na shabu na may standard drug price na P17,000,000.00.

Ayon kay Police Colonel Cirilo Acosta Jr., hepe ng Mandaue City Police Office, inatasan nito si Police Lieutenant Colonel Mark Gifter Sucalit, hepe City Intelligence Unit, katuwang ang CDEU na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na ininguso ng isa sa mga nahuli nilang suspek na si Velasquez ang bodegero at runner sa pagsusuplay ng iligal na droga.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 in relation to Section 26 at Section 11, Article II Republic Act 9165 ang suspek. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here