Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin ang obstruction sa mga dinaraanan ng mga pedestrian at tiyaking mabilis ang daloy ng mga pasahero sa mga rail lines.
“Naiintindihan naman natin sila at nakaka-awa rin dahil kailangan nilang maghanap buhay, pero they cannot be here. Nagpapasikip sila sa mga pasahero at pedestrian, kawawa rin sila,” ani Secretary Vince Dizon sa kaniyang inspeksyon ng MRT-3 at LRT-1 Taft/EDSA Stations.
Sinita rin ni Secretary Dizon ang paniningil ng Metro Point Mall sa mga vendor ng renta sa MRT-3 southbound exit kahit ito ay pagmamay-ari ng gobyerno.