Home NATIONWIDE Daanang pampasahero sa MRT-3, inayos ng DOTr, MMDA

Daanang pampasahero sa MRT-3, inayos ng DOTr, MMDA

248
0

MANILA, Philippines – Magtutulungan ang Department of Transportation (DOTr) at Metro Manila Development Authority (MMDA) para tiyaking malinis at walang obstruction sa MRT-3 north at southbound walkways para sa maayos at mabilis na daloy ng mga pasahero at pedestrian.Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin ang obstruction sa mga dinaraanan ng mga pedestrian at tiyaking mabilis ang daloy ng mga pasahero sa mga rail lines.“Naiintindihan naman natin sila at nakaka-awa rin dahil kailangan nilang maghanap buhay, pero they cannot be here. Nagpapasikip sila sa mga pasahero at pedestrian, kawawa rin sila,” ani Secretary Vince Dizon sa kaniyang inspeksyon ng MRT-3 at LRT-1 Taft/EDSA Stations.Sinita rin ni Secretary Dizon ang paniningil ng Metro Point Mall sa mga vendor ng renta sa MRT-3 southbound exit kahit ito ay pagmamay-ari ng gobyerno.

“Unang-una bawal dun. Hindi dapat sila hinaharang sa dinadaanan ng tao. At bakit Metro Point ang nagcha-charge dun, government property ‘yan? Papatanggal na natin yung mga vendor dun,” ayon kay Secretary Dizon. DANNY QUERUBIN 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here