MANILA, Philippines – Isa pang “motion for reconsideration” ang inihain ngayong Lunes sa Korte Suprema ng ilang indibidwal kabilang ang ilang pari hinggil sa naging desisyon na nagpawalang bisa sa ‘articles of Impeachment ‘ laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa mga petisyoner na kinabibilangan ng mga pari na kasama sa mga Movans-Intervenors layon ng Motion for Reconsideration in Intervention na mapabaliktad at maipasantabi ang SC ruling hinggil sa impeachment complaint na ipinasa ng Kamara sa Senado.
Ipinababasura rin ng mga petitioner sa SC ang petisyon nina VIce President sara Duterte at Atty.Israelito Torreon na mapawalang bisa ang impeachment.
Ang articles of impeachment laban kay VP Sara ay idineklarang unconstitutional dahil sa paglabag nito sa 1 year bar rule at kawalan ng ‘due process’. Jocelyn Tabangcura-Domenden