Home ENTERTAINMENT Alma, hiningan ng nude pics, nawindang!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Alma, hiningan ng nude pics, nawindang!August 11, 2025 18:002380 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – “Ganito na ba ang kabataan ngayon?”Ito ang tanong na hinahanapan ng sagot ng beauty queen-turned-actress na si Alma Concepcion.Ito’y makaraang makatanggap siya ng message mula sa isang male netizen believed to be much younger than her.Sa isa sa mga social media accounts pumasok ang mensaheng talaga namang ikinawindang ni Alma.The message read: “Hi, tita, can you send me nudes?”Obyus na ang tinutukoy na “nudes” ng male netizen ay mga hubad na larawan ni Alma.Hindi naman binanggit ni Alma kung nireplayan niya ang nag-message.Nag-post lang ang aktres ng pagkabigla, asking if today’s male youth has become like this.Aniya kasi: “Wala akong kababata noon na ganito mag-message sa mga tita ko.”Dahil dito, pinag-lingat ng mga netizens ang aktres.Ang iba nama’y sinabihan siyang iba na ang sibol ng kabataan ngayon.Still another netizen cracked a joke, na ang dapat daw mensahe kay Alma ay: “Hi, tita, can you send me Gcash?”‘Kaloka! Ronnie Carrasco III