Home NATIONWIDE UP-PGH magpapatupad ng Lipat Kalinga para sa mga batang pasyente ngayong taon

UP-PGH magpapatupad ng Lipat Kalinga para sa mga batang pasyente ngayong taon

276
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng University of the Philippines at Philippine General Hospital (PGH) nitong Lunes, Agosto 11 na nakatakdang ganap na maipatupad ngayong taon ang adolescent-to-adult healthcare transition program nito.

Ang Lipat Kalinga (LK) ay inilunsad noong 2008 na naglalayong magbigay ng isang organisadong sistema upang matulungan ang mga kabataan mula sa pediatric tungo sa adult healthcare na tintiiyak ang pagpapatuloy at pagpapabuti sa kanilang pangangalagang pangkalusugan.

Sa Phase 1 nito, ang Lipat Kalinga (LK1) ay nag-enroll ng 51 pasyente na may edad 10 hanggang 18 taong gulang na may malalang sakit sa bato sa three-step Transition Map.

Sa Phase (LK2), isang Adolescent Renal Transition Clinic (ARTC) ang nagsilbing central hub para sa transition activities na kinasasangkutan ng mga pasyente, kanilang pamilya at multidiscilinary healthcare team.

Ang edad ng mga pasyente ay iniakma sa 15 taon, at ang mga karagdagang karapat-dapat na malalang sakit ay kasama.

Ang isang memorandum of understanding ay nilagdaan din sa pagitan ng Departamento ng Pediatrics at Medisina noong Setyembre 7, 2015, na humihimok sa iba pang mga sub-specialty ng malalang sakit na sumali sa programa.

Ang edad ng pagpasok sa ARTC ay itinaas sa 17 taon, at ang panahon ng transition ay itinakda sa pagitan ng anim at 24 na buwan.

Pinalitan ng pangalan ang LK2 na LK3 dahil idinagdag ang mga sumusunod na sub-espesyalidad: Endocrinology, Rheumatology, at Neurology.

Ang mga doktor ng PGH ay nagmungkahi ng paglikha ng isang shared transition facility para sa lahat ng LK3 subspecialty, dahil ito ay kasalukuyang tumatakbo sa outpatient department ng ospital. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here