Home NATIONWIDE Ex-councilor sa Albay arestado ng NBI sa pangingikil

Ex-councilor sa Albay arestado ng NBI sa pangingikil

255
0

MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating municipal councilor sa Tiwi, Albay dahil sa umano’y pangingikil sa isang quarry operator kapalit ng pagproseso ng Ore Transport Permit (OTP).

Kinilala ni NBI Director Kaime Santiago ang dating konsehal na si John Mabini Bron na nahaharap ngayon sa kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Robbery/Extortion.

Ikinasa ng sanib-pwersang operasyon ng NBI sa Legazpi at Naga matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang quarry operator sa probisnya hinggil sa sunod-sunod na pangingikil.

Sa pamamagitan umano ng middleman na si alyas “Tope,” mula sa Provincial Environment and Natural Resources Office office (PENRO), hiningan ng halagang P320,000 ang complainant/operator upang mapabilis ang OTP na kailangan para sa quarry operations.

Ayon pa sa NBI, kapag hindi umano nagbigay ang complainant ng hinihinging halaga ay maaantala ang kaniyang OTP.

Sa naunang entrapment operation, hindi natuloy matapos ireschedule ng suspek ang transaksyon.

Gayunman, noong Agosto 8, naging matagumpay ang operasyon matapos makumpirma na ang abutan ng bayad ay itutuloy.

Nang iabot ng complainant ang marked money kay Bron, dito na siya agad inaresto ng NBI sa BGC Aggregares compound.

Narekober ng NBI ang limang genuine P1,000 bills at P315,000 ‘boodle money’ mula sa suspek kasama ang kanyang cellphone.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng NBI sa kaso kung saan binibigyang-diin ang patuloy na katiwalian at pangingikil sa mga local government units, partikular sa mga industriya tulad ng quarrying.

Iniimbestigahan dn ang mga koneksyon ni Bron habang nagsasagawa ang NBI ng forensic examination sa narekober na cellphone. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here