Home NATIONWIDE Barko ng BFAR binugahan ng tubig ng China Coast Guard sa Bajo...

Barko ng BFAR binugahan ng tubig ng China Coast Guard sa Bajo de Masinloc

302
0

MANILA, Philippines – Binomba ng tubig nang ilang beses at nagsagawa ng mapanganib na maniobra ang mga barko ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng PIlipinas malapit sa Bajo de Masinloc.

Ayon sa PCG, ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at BRP Datu Sumkad ay nagsasagawa ng maritime patrol nang habulin at bugahan ng tubig ng CCG.

Nagpalitan ng radio challenge ang PCG at CCG nang bombahin ng tubig ang BRP Datu Sumkad pati ang BRP Datu Bangkaya.

Minabuti namang umiwas at lumayo ang barko ng Pilipinas habang sila ay binobomba ng tubig.

Ayon pa sa PCG, humarang din ang isang barko ng Chinese maritime militia dahilan para magbanggaan ang dalawang barko ng China.

Wala namang iniulat na nasaktan sa tauhan ng mga barko ng Pilipinas sa insidente at wala ring naging malalang pinsala sa mga barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here