Home ENTERTAINMENT Mommy Dionisia at bf, pakakasal na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Mommy Dionisia at bf, pakakasal na!August 12, 2025 16:233280 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Till death do us part.Paninindigan ng magkasintahang sina Mommy Dionisia Pacquiao at Mike Yamson na kamatayan lang ang maaaring makapaghiwalay sa kanila.True enough, wala pang eksaktong petsa ay kasado na ang kanilang pag-iisang-dibdib.Sinuong ng magnobyo ang katakutakot na pamumuna sa kanilang relasyon, pero sa bandang huli’y nanaig pa rin ang pag-iibigan nila sa isa’t isa.Hindi nila alintana kung mas may edad ang ina ng Pambansang Kamao.Mike is 26 years younger than Mommy Dionisia.Mahigit isang dekada na silang may relasyon na nananatiling solid at hindi na matitinag.Sa panayam sa kanila ni Bernadette Sembrano, kapwa sila tinanong what lies ahead.Ani Mike, may plano nga sila ng nobya na magpakasal.Ito’y sinang-ayunan ni Mommy D na sa katunayan nga raw ay may singsing na siya.Itinuturing ni Mommy D na answered prayer si Mike.Hiniling kasi niya sa Itaas na bigyan siya ng makakatuwang sa buhay na mabait, at hindi nga siya nagkamali.Tiyak na wedding of all weddings ang kasalang ‘yon! Ronnie Carrasco III