MANILA, Philippines – Dinala sa ospital ang tatlong 12-anyos na estudyante matapos silang tamaan ng mga konkretong debris na nahulog mula sa isang condominium building sa Quezon City nitong Martes ng gabi.
Ayon sa ulat, dalawa sa mga estudyante ang nasa kritikal na kondisyon matapos silang tamaan sa ulo habang naglalakad sila sa kanto ng Roces at Timog Avenue dakong alas-4:39 ng hapon.
Samantala, nagtamo naman ng mga sugat sa braso ang ikatlong estudyante.
Ayon sa ina ng isa sa mga biktima na naghahanap siya ng doktor na maaaring tumulong sa kanilang anak, na nasa kritikal na kondisyon. Gayundin, ang lolo ng isa pang biktima na nasa kritikal din na kondisyon.
“Kailangan ko po sana ng magaling na doktor na makakatulong sa anak ko. Kasi po ayoko po mawalan ng pag-asa kasi humihinga pa siya, umiiyak pa nga siya eh,” ani ng ina ng isa sa mga biktima.
Humihingi din sila ng pananagutan mula sa may-ari ng gusali.
“Gusto rin ko man siyang tumulong, wala naman ako magawa. Wala na po ako maisip eh. Nagulat ako eh, pumapasok lang yung anak ko eh… Hindi ko alam na magkakaganyan siya,” ani pa niya. RNT/MND