MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na mararamdaman ng mga Pilipinong mangingisda ang presensya ng PCG sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ay upang masiguro ang kanilang kaligtasan partikular ang mga mangingisda mula sa Zambales, Pangasinan at Mindoro.
Ayon kay PCG Commodore Jay Tarriela, nagpapatuloy ang pagpapatrolya ng PCG sa WPS at nasasamahan sila para masiguro ang kanilang kaligtasan.
Sa ilalim ng Kadiwa para sa Bagong Bayaning Mangingisda Program, hindi bababa sa 30 mangingisda ang nabigyan ng PCG fuel subsidy at yelo sa Bajo de Mansinloc noong Lunes.
Ito ay para mas mapadami ang kanilang huling isda, mas tatagal sila sa karagatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden