Pormal nang natanggap ng Senado ang kopya ng 2026 National Expenditure Program na nagkakahalaga ng P6.793 trillion. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Pormal nang natanggap ng Senado ang kopya ng 2026 National Expenditure Program na nagkakahalaga ng P6.793 trillion.
Pinangunahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagsusumite ng mga dokumento ng NEP na tinanggap ni Senate President Francis Escudero at ni Senador Sherwin Gatchalian bilang chairman ng Senate Committee on Finance, at Majority Leader Joel Villanueva at Senator Alan Cayetano ang seremonyal turnover sa Senado
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang pinakamalaking bahagi ng panukalang pondo ay ilalaan sa sektor ng edukasyon na
nagkakahalaga ng ₱1.224 trilyon, kasunod ang imprastraktura na may ₱881.3 bilyon, at sa sektor ng kalusugan na nagkakahalaga ng ₱320.5 bilyon.
Alinsunod ito sa naunang pahayag ni Gatchalian na bibigyang prayoridad ng 2026 budget ang sektor ng edukasyon, kaya tatawagin itong education budget. RNT