Home NATIONWIDE Mula ‘zero budget,’ PhilHealth bibigyan ng P53.3B badyet sa 2026

Mula ‘zero budget,’ PhilHealth bibigyan ng P53.3B badyet sa 2026

273
0

MANILA, Philippines – Mula sa ‘zero budget’ ay makatatanggap na ng P53.3 bilyong pondo para sa 2026 ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), ayon sa proposed National Expenditure Program (NEP) ng Department of Budget and Management.

Nitong Miyerkules, Agosto 13 ay itinurn-over na ng DBM ang P6.793 trilyong NEP sa Kamara na isasailalim sa deliberasyon sa susunod na buwan upang likhain ang sarili nitong General Appropriations Bill (GAB) bago matapos ang taon.

Tinaasan sa proposed 2026 budget ng DBM ang badyet para sa healthcare sector ng 23.6 percent, kabilang dito ang alokasyon para sa mga subsidiya ng PhilHealth.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang pagpapataas sa pondo ng PhilHealth ay sasakop sa insurance premiums ng indirect contributors, maging ang pondo para sa medical assistance sa indigent at financially incapacitated patients.

Nakaayon ito sa pagsisiguro ni Finance Secretary Ralph Recto noong Hulyo na ibabalik ng pamahalaan ang badyet ng PhilHealth.

Matatandaan na tinapyasan ng Kongreso ang badyet ng PhilHealth na ipinagtanggol naman ng Marcos administration sa pagsasabing mayroon pang sapat na reserve funds ang state insurer na magagamit para sa operasyon at health-care insurance coverage.

Naghain ng petisyon ang ilang health advocates sa Korte Suprema na kumikwestyon sa zero subsidy na labag umano sa constitutional rights ng mga Filipino sa kalusugan at Universal Health Care Act. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here