Home HOME BANNER STORY Demolition job vs Escudero itinanggi ng Kamara

Demolition job vs Escudero itinanggi ng Kamara

158
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Kamara nitong Miyerkules, Agosto 13 ang sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na may ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ang umano’y nasa likod ng demolition job laban sa kanya.

“Siguro sa sitwasyong ito, ‘it’s not me, it’s you’ na ‘yung isyu niyan. Hindi na po kami ang may problema po dito,” sinabi ni House spokesperson Atty. Princess Abante sa panayam ng GMA News.

“Wala pong nanggagaling sa House. Ang tutok po ng House of Representatives ay ang trabaho at tungkulin nito. Ang trabaho ng House ay hindi po magsimula ng anumang away kahit kanino man,” dagdag pa.

Ang alegasyon ni Escudero nitong Martes ay kasunod na sabihing ang kanyang campaign contributor sa 2022 elections ay kabilang sa 15 contractor na nakakuha ng 20% ng kabuuang P545 bilyong badyet sa flood control projects.

“For the record, wala akong kinalaman sa pag-identify, paggawa ng program of work, pag-bid, pag-award, pagbayad, pag-inspeksyon ng anumang proyekto sa pamahalaan sa Sorsogon man o sa labas ng lalawigan ng Sorsogon,” naunang sinabi ng Senate president.

Ani Escudero na ang mga nasa likod ng “demolition job” laban sa kanya ay ang mga pabor sa impeachment ni Vice President Sara Duterte, partikular na mula sa Kamara.

Ani Abante, dapat pangalanan ni Escudero ang mga mambabatas na tinutukoy niya.

“Siguro magandang mapangalanan po kung sino ‘yung tinutukoy niya kasi napakaraming members ng House,” sinabi pa ni Abante.

“Mahirap naman pong mag-blanket, damay sa issues na ibinabato laban po kay Senate President na hindi naman din po House ang kinalaman.”

Matatandaan na bumoto ang Senado pabor sa paglilipat ng articles of impeachment laban kay Duterte sa ‘archives.’

“Wala naman pong naging diskusyon sa anuman pong iniisip ni Senate President. So hindi ko po alam bakit kailangan maturo ang mga members ng House na nag-initiate ng impeachment,” ani Abante.

“Wala naman pong personal na layunin ang mga members ng House dito. Ang gusto lang naman po ng House para sa impeachment ay ‘yung pananagutan,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here