Home HOME BANNER STORY Pagsasara ng mga bangko sa Nob 20, fake news! – BSP

Pagsasara ng mga bangko sa Nob 20, fake news! – BSP

1
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko laban sa kumakalat na pekeng video sa social media na nagsasabing magsasara ang mga bangko sa bansa ngayong Biyernes, Nobyembre 20.

Ayon sa BSP, unang ipinost sa Facebook ang naturang video at tinanggal na ito ng platform. Gayunman, posible pa rin itong kumalat sa pamamagitan ng mga repost o kopya.

Nagbabala rin ang central bank na maaari itong magsagawa ng kaukulang aksyon laban sa mga indibidwal o organisasyong sangkot sa paggawa at pagpapakalat ng naturang pekeng balita.

Hinimok ng BSP ang publiko na iulat ang mga mapanlinlang na post o impormasyon sa pamamagitan ng email na [email protected]. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here