MANILA, Philippines – Planong maglaan ng halos P68 bilyon pondo sa hudikatura sa ilalim ng panukalang 2026 national budget.
Sa kabuuang P67.9 bilyon, aabot sa P43.6 bilyon ang nakalaan para sa Department of Justice (DOJ), batay na rin sa President’s Budget Message.
Sa susunod na taon, P1.6 bilyon ang magiging pondo ng Korte Suprema, P1.6 bilyon para sa Court of Appeals, P710 milyon sa Sandiganbayan at P306 milyon sa Court of Tax Appeals. Ito ay sa ilalim ng National Expenditure Program.
May dagdag naman na P5.2 bilyon para sa modernisasyon at mas transparent na proseso ng korte.
May P2.7 bilyon naman para sa konstruksyon, pag-aayos, at pagpapagawa ng mga Hall of Justice sa buong bansa, kasama ang bagong Manila Hall of Justice.
Layunin ng mga programang ito na gawing mas mabilis, patas, at makatao ang hustisya para sa bawat Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden