Home NATIONWIDE POGO hub sa Davao sinalakay ng NBI

POGO hub sa Davao sinalakay ng NBI

272
0

MANILA, Philippines – Ipinasara ang isang Philippine Offshore Gaming Operations o POGO hub sa isang residential area na sinalakay ng National Breau of Investigation (NBI) sa Davao City.

Sa ikinasang operasyon ng NBI – Southern Mindanao Regional Office XI, sa pamumuno ni Regional Director Atty. Arcelito Albao, matagumpay na naipasara ang naturang ilegal na POGO hub.

Sinabi ng NBI na ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng relamo mula sa isang ‘homeowner’ sa kahina-hinalang aktibidad sa loob ng kanilang subdivision.

Nagsagawa ng surveillance ang NBI at nakumpirma ang presensya at ilegal na gawain sa naturang lugar.

Dito na sinalakay ng NBI ang POGO hub at naaresto ang walong (8) Chinese nationals habang nasabat naman ang ilang computer, at mobile phones na gamit sa gaming operations.

Sa pahayag ng NBI, napansin ang ‘pattern’ sa mga aktibidad ng ilegal na POGO kung saa’y naghiwa-hiwalay na ang mga ito sa mga maliliit na grupo.

Nagagawa rin nilang magpalipat-lipat ng lokasyon upang maiwasan na matukoy kung nasaan ang pinaroroonan kaya’t ayon sa kawanihan ay mahalagang maging mapagmatyag ang mga komunidad sa bansa.

Hinimok ng NBI Region XI ang publiko na i-report sa kanilang tanggapan ang anumang ‘suspicious activities’ na mapapansin sa kani-kanilang mga lugar.

Ito ay upang tuluyan nang mahinto ang naturang ilegal na operasyon kasama pati ang money laundering, cybercrime at human trafficking. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here