Home NATIONWIDE Kiko itinalagang hepe ng Senate constitutional amendments panel; Cayetano, vice-chair

Kiko itinalagang hepe ng Senate constitutional amendments panel; Cayetano, vice-chair

245
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan sa plenaryo ang paghirang kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan bilang chairman ng Senate committee on constitutional amendments and Revision of Codes kapalit ni Senador Robin Padilla.

Naitalaga din bilang vice chairman ng komite si Senador Alan Peter Cayetano na siyang hahawak din bilang pangalawang hepe ng Senate committee on energy.

Inaprubahan ang mosyon na italaga sina Pangilinan at Cayetano sa mosyon ni Senador JV Ejercito na walang tumutol.

Dati nang hawak ni Pangilinan ang lupon na pawang abogado sa propesyon na magiging responsible sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pag-aamyenda sa Saligang Batas at pagrerebisa ng umiiral na codes.

“I accept this responsibility with humility and a firm resolve to safeguard the democratic ideals enshrined in our Constitution,” ayon kay Pangilinan.

“The Constitution belongs to the people, and any move to change it must be anchored on their aspirations and welfare. It must also undergo a thorough, principled, and participatory process,” aniya.

Ayon naman kay Cayetano, malaki ang kanyang maitutulong sa bagong tungkulin kaya’t magiging bahagi ito ng talakayan sa pamukalang baguhin ang 1987 Constitutions at ilang batas na may kinalaman sa suplay at patakaran ng bansa sa enerhiya.

Kasama rin si Cayetano bilang miyembro ng Committee on Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking, at ng Committee on Ways and Means.

Sa mga komiteng ito, makikilahok ang mambabatas sa paghubog ng mga panukalang batas para sa pangmatagalang kaunlaran, inobasyon, at kita ng pamahalaan, kasabay ng kanyang trabaho sa legal reforms at energy policy.

“The task of this 20th Congress is not only for change or to do something but it is really the radical change that is needed,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here