Home NATIONWIDE P3.2M yosi nakumpiska sa checkpoint sa Nueva Vizcaya

P3.2M yosi nakumpiska sa checkpoint sa Nueva Vizcaya

260
0

DIADI, Nueva Vizcaya – Tinatayaang aabot sa halagang P3.2 milyon na sigarilyo ang naharang sa checkpoint ng mga miyembro ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) na nakabase sa Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya, kagabi, Agosto 12.

Sa ipinarating na ulat ni PCapt. Merrin Beadoy, Team Leader ng 1st PMFC kay PCol. Jectopher Haloc, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO ay umaabot sa 246 kahon na sigarilyo na nagkakahalaga ng P3,240,000.00 na may dalawang brand o nasa P180.00 bawat kaha.

Maliban sa mga nakumpiskang sigarilyo ay arestado rin ang driver at pahinante ng close van na kapwa residente ng Benito Soliven, Isabela.

Ayon kay PCapt. Beadoy, naging kaduda-duda umano ang van nang biglang huminto ito sa daan kung kaya’t pinara ito ng mga nagsasagawa ng routinary check-point.

“Resibo ng spare parts ng sasakyan ang ipinakita sa amin pero nang masilip namin yung isang side ng van na nakabukas, box ng sigarilyo ang nakita namin, at walang silang dokumento doon kahit noong tawagan nila yung amo nila,” dagdag na pahayag ni PCapt Beadoy.

Napag-alaman na galing umano sa Binondo, Manila ang mga kontrabandong sigarilyo at ihahatid sana sa Santiago City.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang mga nakumpiskang kontrabandong sigarilyo at dalawang suspek para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here