Home NATIONWIDE Badyet ng AKAP kinalos sa 2026 budget

Badyet ng AKAP kinalos sa 2026 budget

286
0

MANILA, Philippines – Hindi pinondohan ng pamahalaan sa 2026 na panukalang badyet ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Kinumpirma ito ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa isang press briefing matapos ang pormal na pagsusumite ng administrasyong Marcos sa 2026 National Expenditure Program (NEP).

“Doon po sa AKAP ay wala po iyong AKAP sa badyet ng DSWD for next year,” paglilinaw ni Pangandaman.

Ngunit tiniyak ng kalihim na buo at matatag ang nakalaang pondo para sa 4Ps kung saan mayroon aniya itong batas at may eksaktong computation kung magkano ang maipagkakaloob na ayuda sa mga benipisyaryo nito.

“For NEP 2026, we provided a total budget of  P112.997 bilyon. So intact po iyan para sa lahat ng recipients ng ating 4P’s,” ani Pangandaman.

Kinumpirma naman ni Suansing na binago ng Senado at Malaking Kapulungan ng Kongreso ang kalendaryo upang sa halip na Oktubre 3 ang short break ay magiging Oktubre 10 na.

Ito ay upang bigyang daan ang deliberasyon at paghimay sa 2026 General Appropriations Bill (GAB) na magsisimula sa Lunes, Agosto 18, 2025.

Sa murang bigas o sa Rice Program ng gobyerno para sa abot-kayang presyo na P20 kada kilo ay naglaan ang gobyerno ng P10 bilyon para sa subsidiya. Meliza Maluntag

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here