Home ENTERTAINMENT Netizens, naguguluhan sa James-Kathryn tandem!

Netizens, naguguluhan sa James-Kathryn tandem!

229
0

Manila, Philippines – Pumirma na nga ng management contract ang aktor na si James Reid sa Spring company na isang Korean Agency

Ang Spring Company pa rin ang may hawak sa ilang mga Korean actors at isa na rito ay ang grupo ni Ji Chang-Wook.

Binanggit na rin naman dati sa mga past interviews ni James na tuloy na raw ang kanyang comeback sa paggawa ng teleserye kung saan maaring makapareha niya si Kathryn Bernardo.

Matuloy pa kaya ‘yun?

Pero ngayong nasa pamamahala na ang aktor ng isang Korean agency may pag asa pa kayang mapapanood siya sa lokal teleserye o aabangan na lang natin siya sa isang Koreanovela?

‘Yan din ang laging tinatanong ngayon kay James ng mga netizens.

Samantala, ayon pa rin naman sa post ng kanyang kumpanya na Careless Music, ang kontrata ni James ay nagmarka bilang unang Filipino artist ng nasabing Korean talent agency.

“James Reid signs with Korea’s @spring.company_official — the first Filipino artist to join their roster,” buong caption ng Careless Music sa kanilang post kalakip ang photos na nandu’n si James at obviously ay representative ng Spring Company. Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here