Home NATIONWIDE Ama kulong sa prank video ng kunwaring pagpatay sa anak

Ama kulong sa prank video ng kunwaring pagpatay sa anak

318
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang naaresto at nahaharap sa patong-patong na kaso makaraang gumawa ng prank video na kunwaring pagpatay nito sa sariling anak gamit ang isang bolo sa Ciudad Nuevo, Barangay Sabang, Naic, Cavite.

Ayon sa nakalap na report, kinilala ang suspek na si alyas Ron, 37 anyos, residente ng naturang lugar.

Base sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag gamit ang 911 mula sa ilang residente ng nasabing lugar hinggil sa kaguluhan sa pagitan ng suspek at menor de edad nitong anak.

Armado umano ng bolo ang suspek at tangka nitong sasaksakin ang anak.

Sa pagresponde ng pulisya naabutan ng mga ito ang kaguluhan sa lugar dahilan upang arestuhinn ang suspek.

Subalit sa pahayag ng suspek, isang prank video lamang ang kaniyang isinasagawa na umano’y para mag-viral ito sa kanyang social media account.

Ayon sa isinagawang interview ng Women’s Desk sa menor de edad na biktima, sinang-ayunan nito ang pahayag ng ama na isang palabas lamang ang eksenang kanilang ginawa para sa Social Media Account ng suspek bilang Viral Video Prank.

Gayunpaman, inaresto pa rin ito ng pulisya at nakatakdang kasuhan hinggil sa nagdulot ito ng alarma at pagkabahala sa publiko at mga residente sa lugar. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here