Home HOME BANNER STORY Batas na nagpapaliban sa BSKE polls nilagdaan na ni PBBM

Batas na nagpapaliban sa BSKE polls nilagdaan na ni PBBM

272
0

MANILA, Philippines – TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Miyerkules, Agosto 13 ang Republic Act No. 12232, pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula December 2025 ay magiging November 2026.

Inayos at itinakda rin ang ‘term of office’ ng mga Barangay Sangguniang Kabataan oficials ng apat na taon.

Sa ilalim ng batas, walang barangay official ang maaaring magsilbi ng mahigit sa tatlong magkakasunod na termino sa parehong posisyon habang ang SK officials naman ay maaaring maglingkod ng isang termino lamang.

Ang susunod na BSKE ay idaraos sa unang Lunes ng November 2026 at kada apat na taon pagkatapos noon, ang mga nanalo ay kagyat na uupo sa kanilang posisyon sa Disyembre 1, kasunod ng eleksyon.

Sa kabilang dako, ang incumbent officials ay mananatili sa isang hold-over capacity maliban kapag inalis o sinuspinde subalit iyong mga nagsisilbi para sa kanilang third consecutive term ay pagbabawalan na sa hangarin na re-election sa 2026.

Samantala, ang Commission on Elections (Comelec) ay may mandato na magpalabas ng implementing rules sa loob ng 90 araw ng pagiging epektibo ng batas.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos mas mainam na ipagpaliban ito upang mabigyang-pokus ang nakatakdang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Giit ng Pangulo, kakatapos lang ng midterm elections at nakatakda rin ang kauna-unahang halalan para sa BARMM Parliament sa Oktubre na isang makasaysayang yugto dahil unang pagkakataon itong gagawin.

Binigyang-diin pa ng Pangulo na mahalaga ang halalan sa BARMM para sa tagumpay ng peace process sa rehiyon.

Dagdag pa nya, mismong Commission on Elections (COEMELEC) na rin ang nagsabing hindi nila kakayanin kung isasabay pa ang barangay at SK elections sa BARMM polls.

Paliwanag pa ng Pangulo, hindi rin lalabag sa desisyon ng Korte Suprema ang pagpapaliban dahil hindi nito paiikliin ang termino ng mga kasalukuyang barangay officials, kundi palalawigin pa nga.

Aniya, ito ang pinaka sensible na solusyon upang maiwasan ang pagsabay ng mga halalan at matiyak ang maayos na paghahanda para sa BARMM elections. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here