Home NATIONWIDE Habagat iiral sa ilang bahagi ng bansa

Habagat iiral sa ilang bahagi ng bansa

223
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang Southwest Monsoon o Habagat sa ilang bahagi ng bansa ngayong Huwebes, Agosto 14.

Ang Metro Manila, Ilocos Region, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac, Bulacan, at Davao Oriental ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorm.

Samantala, huling namataan ang Severe Tropical Storm Podul sa layong 650 kilometro hilagang kanluran ng extreme northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 160 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong west northwestward sa bilis na 35 kilometro kada oras. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here