Home NATIONWIDE 4 HVI nalambat, P1.7M tobats nasabat sa SPD buy-bust ops

4 HVI nalambat, P1.7M tobats nasabat sa SPD buy-bust ops

166
0

MANILA, Philippines – Apat na high-value individuals (HVIs) ang arestado ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD) matapos makumpiskahan ang mga ito ng P1.7 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay South Signal, Taguig City, Martes ng gabi, Agosto 12.

Sa report na natanggap ni SPD director P/Brig. Gen. Randy Arceo ay nakilala ang apat na nadakip na sina alyas Roko, 43; alyas Daud, 49; alyas Nasrudin, 41; at nag-iisang babaeng suspek na si alyas Ana, 21, na lahat ay kinokonsiderang mga HVIs.

Sinabi ni Arceo na naganap ang pag-aresto sa mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng DDEU sa tulong ng District Intelligence Division (DID) at ng mga miyembro ng Sub-Station 6 ng Taguig City police bandang alas-9:50 ng gabi sa Barangay South Signal, sa lungsod.

Sa isinagawang operasyon ay nakakumpiska ang mga operatiba ng limang heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng 250 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,700,000.

Bukod sa ilegal na droga ay narekober din sa posesyon ng mga suspek ang mobile phone, isang kulay pulang sasakyan na Mazda 2 at ang P1,000 buy-bust money kasama ang 49 piraso ng tig-P1,000 boodle money na ginamit sa operasyon.

Ang nakumpiskang ilegal na droga ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa chemical analysis habang ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 sa Taguig City Prosecutor’s Office ay kasalukuyang nakapiit sa SPD custodial facility.

“This operation reflects SPD’s firm resolve to dismantle illegal drug networks in our communities. We will continue to sharpen our intelligence and operational capabilities to ensure public safety,” ani pa Arceo. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here