Home METRO Kelot kalaboso sa pagbebenta ng baril sa Morong, Rizal

Kelot kalaboso sa pagbebenta ng baril sa Morong, Rizal

312
0

RIZAL, Philippines – Arestado ang isang 34 anyos na lalaki matapos itong mahuli ng intel operative ng Morong pulis station na nagbebenta umano ng baril sa Morong, Rizal.

Ayon sa salaysay na mula kay chief admin pulis lutenant Divina Rafael, nakatanggap umano ng report ang Morong PNP hinggil sa pag-gawa at pag bebenta ng baril ng suspek na si alyas “Nathan” sa barangay Maybancal, Morong, Rizal.

Nagsagawa ng follow-up operation ang operatiba upang malaman at matiyak na tama ang sumbong na kanilang natanggap.

Agad na ipinagbigay-alam kay police major Elmer Rabano na totoo ang impormasyon na dumating sa naturang himpilan.  Kaya’t agad na nag kasa ng operation ang Morong PNP na ayon na rin sa utos ng hepe ng naturang himpilan

Nakumpiska mula sa suspek ang isang 38 kalibre ng baril at isang improvise shotgun na mayroong magazine.

Mariing itinanggi ng suspek ang mga paratang sa kanya at gawagawa o paninira lamang umano ang mga sinasabi laban sa kanya.

Naka-piit ang suspek sa Morong Costodial Facility at kakaharapin nito ang kasong pag labag sa Arctile 5 Section 32 of Republic Act 10591. (Maritess Pumaras)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here