Home NATIONWIDE OP, humirit ng P1.018-B budget para sa local, foreign trips

OP, humirit ng P1.018-B budget para sa local, foreign trips

250
0

MANILA, Philippines – Mahigit sa P1 bilyong piso na ang budget ng local at foreign missions at state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa susunod na taon.

Ayon sa 2026 National Expenditure Program, ang local o foreign missions at state visits ay pinaglaanan ng P1,018,304,000. Tumaas ito mula sa P982,649,000 budget ngayong taon.

Ang kamakailang paglalakbay ng Pangulo ay ang kanyang state visit sa Republic of India. Bago iyon, nagkaroon din siya ng official visit sa Estados Unidos para makapulong si US President Donald Trump.

Nagpartisipa rin ang Pangulo sa ASEAN Summit and Related Summits sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Mayo.

Ang kabuuang panukalang budget ng OP para sa 2026 ay P27.362 billion, na mas mataas kaysa sa P15.9 billion sa ilalim ng national budget ngayong taon.

Samantala, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM), ang OP ay makakukuha ng pinakamataas na confidential at intelligence funds na pumalo sa P4.5 billion. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here