MANILA, Philippines – Mababa ang ibinigay na alokasyon sa Senado, Kamara at Office of the Vice President sa isinumite ng Malacanang na National Expenditure Program(NEP) o ang 2026 proposed national budget.
Batay sa datos sa NEP, o ang budget na inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos, ang Kongreso ay may P26.39 billion panukalang budget para sa susunud na taon, mababa ito ng P3 billion sa hiling ng Kongreso na P30.18 billion.
Ang NEP ay galing sa Malacanang na ipapaapruba sa Kongreso, sa oras na maaprubahan ng Kongreso ang budget matapos ang deliberasyon ay tatawagin naman itong General Appropriations Bill (GAB) at kung ang budget na ito ay aaprubahan ng Malacanang ay saka magiging batas at tatawaging General Appropriations Act (GAA).
Ang 5 ahensya na nakapaloob sa Kongreso ay ang Senate, Senate Electoral Tribunal (SET), Commission on Appointments (CA), House of Representatives at House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).
Samantala ang OVP ay may P902.8 million panukalang budget sa ilalim ng 2026 NEP.
Matatandaan na sa kanyang State of the Nation Addreess(SONA) ay nagbanta si Pangulong Bongbong Marcos na hindi nito aaprubahan ang sobra sobrang budget na aaprubahan ng Senado at Kamara kung hindi ito nakaugnay sa NEP. /Gail Mendoza