Home NATIONWIDE BSKE 2026 sabay ng undas; Comelec ‘no choice’

BSKE 2026 sabay ng undas; Comelec ‘no choice’

275
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na walang choice kundi sundin ang itinakdang barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa unang Lunes ng Nobyembre na papatak naman ng All Soul’s day.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi sila kinunsulta kung kailan dapat idaos ang halalan.

Sa kabila nito, sinabi ni Garcia na handa naman ang Comelec na isagawa ito sa susunod na taon kahit mataas ang posibilidad ng masamang panahon.

Ang tanong kung maapektuhan ang taget voter turnout sa BSKE, sa ngayon–hindi pa masabi ng Comelec dahil pinag-aaralan pa nila kung makakatulong ba ang pagkakatapat ng eleksyon sa panahon ng bakasyon o kung, sa halip, matatapat ito sa araw ng pagluwas ng mga botante mula sa kanilang mga probinsya, na posibleng maging hadlang sa kanilang pagboto.

Ito’y matapos lagdaan kagabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na nagpapalawig sa termino at nagpapaliban sa BSKE sa Nobyembre 2, 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here