MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang batas na naglalayong pangalagaan ang industriya ng saging sa bansa at para protektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka at ipreserba ang posisyon ng Pilipinas sa global market.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na kasunod ng naging direktiba ng Pangulo, ang Department of Agriculture (DA) ay humiling ng pondo para tulungan ang banana farms, lalo na iyong mga pinatatakbo ng smallholder.
“Nagkaroon na rin po ng dirketiba ang Pangulo patungkol po dito at humingi na rin po ang Department of Agriculture ng pondo para po sa pest and diseases para sa banana farmers,” ang sinabi ni Castro.
Ang mga alalahanin sa banana growers ay kinabibilangan ng mga peste at sakit na banta sa banana farms.
Sinabi ni Castro na gumagawa ng paraan ang gobyerno para lutasin ang high seasonal tariffs sa Japan—currently sa 8% sa panahon ng tag-init at 18% sa panahon ng taglamig na naging sagabal sa para makipagpaligsahan mapagkumpitensya ng Philippine bananas sa isa sa pinamahalagang merkado nito.
Bingyang diin ni Castro na pinalalawig ng administrasyon ang produksyon ng iba’t ibang Cardaba para sa pag-export sa Australia, Estados Unidos at Gitnang Silangan at iba pang potensiyal na merkado, habang pino-promote ang pag-export ng ‘steamed at frozen bananas’ kasama ang banana chips.
“Pinapalakas pa rin po ang production ng Banana Cardaba for exports… at pinapalakas na rin po ang pag-export ng steamed and frozen bananas, maliban pa po sa banana chips,” ayon kay Castro.
Ang sagng ay isa sa ‘most economically essential fruit crop commodities’ sa Pilipinas.
Mayorya ng iba’t ibang saging na sumibol sa bansa ay ang Cavendish, sumunod ang Saba at Lakatan. Ang Saba/Cardaba variety ay kadalasang pinoproseso para maging banana chips para i- export, habang ang Lakatan ay kinakain blang fresh fruit sa local market.
Samantala, ang direktba ng Pangulo na tugunan ang mga alalahanin ng banana industry nagpapahiwatig ng ‘significant efforts’ hindi lamang para “to recover market share in Japan and China” kundi ang buksan ang “new trade opportunities” na magiging kapaki-pakinabang sa mga magsasaka at tiyakin ang ‘long-term resilience’ ng industriya. /Kris Jose