MANILA, Philippines – Mahigit 900 estudyante na benipisyaryo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nakatanggap ng stipend sa isinagawang payout ng Special Program for Employment of Students (SPES) noong Hulyo sa Isabela.
Ang inisyatiba ay alinsunod sa kautosan ng Pangulo na pahusayin ang partisipasyon sa trabaho ng mga kabataan sa pamamagitan ng internships, scholarships at job opportunities.
Nakatanggap ang bawat isa ng P4,000 hanggang P4,300 para sa 20 araw nilang pagtatrabaho sa kani-kanilang Local Government Unit (LGU).
Para sa 16 munisipalidad ng Isabela, aabot sa P3.95 milyon ang inilaan ng DOLE .
Nagpasalamat naman ang mga benipisyaryo sa mga ganitong programa na tumutulong sa mga estuyanteng kagaya niya na magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho habang nakakatanggap ng pinansiyal na tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden