Home IN PHOTOS P.8M ‘bato’ nasabat sa baybayin ng Mariveles, Bataan

P.8M ‘bato’ nasabat sa baybayin ng Mariveles, Bataan

289
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱802.4 milyon sa baybayin ng Barangay Sisiman, Mariveles, Bataan nitong Huwebes, ayon sa Police Regional Office 3 (PRO3).

Isang concerned citizen ang nag-ulat ng anim na sako malapit sa parola, na naglalaman ng 118 pakete ng ilegal na droga.

Dinaluhan ng media, barangay officials, at kinatawan ng DOJ ang imbentaryo. Inilipat ang mga ebidensya sa Bataan Forensic Unit para sa pagsusuri at wastong disposisyon.

Pinuri ni PRO3 chief Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr. ang nag-ulat at ang mabilis na aksyon ng mga yunit, at sinabing bawat kilong nakukumpiska ay hakbang tungo sa mas ligtas na komunidad at mas maayos na kinabukasan.

“This significant recovery is a testament to what can be achieved when the community and law enforcement work hand-in-hand. We commend the concerned citizen who came forward and our operating units for their swift and coordinated action,” ani Peñones Jr.. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here