Home HOME BANNER STORY Hirit na P1 dagdag-pasahe sa jeep, pinasusuri ni PBBM

Hirit na P1 dagdag-pasahe sa jeep, pinasusuri ni PBBM

213
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Marcos ang kanyang economic team na pag-aralan ang panukalang ₱1 dagdag-pasahe sa jeepney sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa Malacañang nitong Huwebes.

Nagsumite ng petisyon sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang mga transport group dahil sa epekto ng mataas na presyo ng krudo sa kanilang operasyon.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, nais ng Pangulo na balansehin ang kapakanan ng mga pasahero at ang pangangailangan ng mga PUV driver at operator. Magkakaroon ng konsultasyon, public hearings, at tatalakayin ito kasama ang economic managers, operators, drivers, at commuters.

“Ang direktiba po ng Pangulo, ito po ay aaralin dahil marami pong maaapektuhan dito.”

Tungkol sa posibleng tulong sa kabila ng kawalan ng fuel subsidy, sinabi ni Castro na si Transportation Secretary Vince Dizon ang magbibigay ng detalye sa maaaring suporta para sa mga PUV driver at operator. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here