Home HOME BANNER STORY P10.77-B confidential, intel fund sa 2026 budget, makabagong pork barrel – grupo

P10.77-B confidential, intel fund sa 2026 budget, makabagong pork barrel – grupo

282
0

MANILA, Philippines – Mariing tinuligsa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang ₱10.77 bilyong confidential at intelligence funds (CIF) sa panukalang badyet para 2026, na tinawag nilang “pork barrel sa ibang anyo,” at nanawagang ilaan ito sa edukasyon at serbisyong panlipunan.

Halos kalahati ng pondo—₱4.5 bilyon—ay mapupunta sa Office of the President, na ayon sa ACT ay walang direktang mandato sa gawaing intelihensiya.

Ayon kay ACT Chairperson Vladimer Quetua, sapat ang halagang ito para magpatayo ng mahigit 4,300 silid-aralan. Giit niya, nagiging “personal war chest” ang CIF para sa political patronage at panunupil, habang nagkukulang sa silid-aralan, aklat, at disenteng sweldo ang mga guro.

Binigyang-diin din ng ACT ang kawalan ng transparency dahil sa kasalukuyang patakaran kung saan sertipikasyon lamang mula sa pinuno ng ahensya ang tinatanggap ng Commission on Audit.

Umapela ang grupo sa Kongreso na buwagin ang lahat ng CIF at ilipat ang pondo sa mga pangunahing pangangailangan ng publiko. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here