Home NATIONWIDE Abogado sa ‘missing sabungeros’ niresbakan ni Torre

Abogado sa ‘missing sabungeros’ niresbakan ni Torre

245
0

MANILA, Philippines – Binatikos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III si Atty. Bernard Vitriolo, abogado ng isa sa mga pulis na sangkot sa kaso ng “missing sabungeros,” dahil umano sa pagkalito ng imbestigasyon.

Giit ni Torre, alam ni Vitriolo na sa DOJ dapat isumite ang counter-affidavits at hindi sa CIDG, na tumanggi sa mga affidavit mula sa 12 testigo dahil hindi ito ginawa sa presensya ng imbestigador.

“He knows fully well that the CIDG is not the proper forum to submit counter-affidavits. They are not witnesses there. The proper forum to submit that affidavit is the Department of Justice,” ani Torre sa reporters sa isang event ng Southern Police District (SPD) sa Fort Bonifacio, Taguig City.

“It’s very clear  is to muddle the case, unless the lawyer forgot the procedures,” dagdag pa ni Torre.

Samantala, nagsampa ng reklamong administratibo sa Napolcom ang magkapatid na sina Elakim at Jose Patidongan laban kay dating CIDG Director Brig. Gen. Romeo Macapaz at dalawa pa, kaugnay ng umano’y pang-aagaw ng kanilang cellphone sa Cambodia at pagpapabalik nito na walang SIM at memory card, pati na ang pag-aresto sa kanila sa NAIA.

Ipinahayag din ni Julie “Dondon” Patidongan na pinipilit umano ni Macapaz ang pamilya ng mga biktima na siya ang ituro sa halip na si Charlie “Atong” Ang.

“Kinuha nila ‘yung cellphone namin ni Jose, nung binalik na nila, wala nang SIM card and wala nang memory card… May mahahalagang evidence doon na makukuha,” ani Elakim sa press briefing.

“Malaki ang tiwala namin sakanya nung sinundo niya kami kasi kausap siya (Macapaz) ng kapatid namin (Patidongan) pero nag-iba ang takbo… at pinaaresto niya kami sa NAIA,” aniya pa.

Ayon kay Napolcom Vice Chair Rafael Vicente Calinisan, bibigyan ng pagkakataon si Macapaz na magpaliwanag bago magpasya kung itutuloy ang kaso.

Giit naman ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, malaki ang naging papel ni Macapaz sa pagdakip sa mga suspek at iginiit na may kaso at pagkakasangkot din sa mga biktima ang magkapatid na Patidongan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here